Komitiba sa edukasyon sa konseho ng Naga City kumikilos na para matulungan ang mga batang hirap magbasa

NAGA CITY – Pino-proseso na ngayon ng konseho ng Naga City ang mga posibleng programa at sistema na dapat ipatupad para matugunan at mabigyan ng posibleng solusyon ang problema na kinakaharap ng Division of City Schools.

Hinggil ito sa mga mag-aaral na kinokonsiderang non-readers, o hirap magbasa at kung makapagbasa naman ay hindi nauunawaan ang binabasa.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon kay DepEd City Schools Supt. Manny de Guzman, nasa 36% hanggang 80% ang mga batang ito na may ganitong problema na nasa kinder, Grade 1 hanggang Grade 3.

Sila aniya ang mga batang nasa modular system dahil sa pandemya.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga, sinabi ni City Councilor Lito del Rosario, chairman ng education committee sa konseho, sinabi nitong nakarating na sa kanyang kaalaman ang problemang ito.

Isa sa napag-isipan niyang solusyon ay ang pagkakaroon ng volunteer teachers, na makakatulong para magturo sa mga bata.