Russian military plane bumagsak sa residential area sa Siberia

Bumagsak sa isang residential area sa southern Siberia ang isang Russian military plane.

Sinabi ni regional governor Igor Kobzev na tumama sa isang two-storey house ang Suhoi Su-30 fighter aircraft kung saan nasawi ang dalawang piloto nito habang wala namang nasaktan na residente ng lugar.

Read More:  Nepal flash flood death toll hits 1,252 as rescue operations continue

Kinumpirma naman ng Russian ministry of Emergency Situations na nasa test flight ang eroplano nang bumagsak ito.

Makikita sa mga video footages ang vertical na pagbagsak ng eroplano bago ito nag-crash at nagdulot ng mala-higanteng bolang apoy.

Read More:  Iran retaliates after US launches fresh strike a month later

Tiniyak naman ng Russia’s state investigative Committee na magsasagawa ng criminal investigation para matiyak kung mayroong violation sa air safety rules.