Milk Feeding Program laan sa mga kulang sa timbang

NAGA CITY – Muling magkakaroon ng milk feeding program ang Department of Education – Camarines Sur sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan na magsisimula ngayong darating na Lunes , Oct. 24.

Bilang paghahanda, kahapon ay nag seminar na ang mga school head para sa magiging proseso ng programa sa bawat public elementary schools. Kabilang sa nag seminar ay ang mga school principal mula sa Cabusao district.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Cabusao Elementary School Principal Cybelle Salceda Esclanda, na prayoridad ng programang ito ay iyong mga batang kulang sa timbang o kaya walang ganang kumain lalo na pagkakaumaga.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang mga ito ang pangunahing bibigyan ng gatas, na iinumin sa umaga at sa hapon bago lumabas ng paaralan.

Aminado sila na maraming mga bata ngayon ang may problema sa kalusugan dahil na rin sa dumaang pandemya na kun saan maraming nawalan ng trabaho kaya napabayaan ang tamang nutrisyon ng mga bata.