Construction worker na may kasong attempted homicide, huli sa bayan ng Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang construction worker matapos maaresto sa P-1, Brgy. Anislag, bayan ng Daraga, Albay dahil sa kasong Attempted Homicide.

Kinilala ang akusado na si alyas “Arnel”, 47anyos at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon sa report, hapon nang arestuhin ng mga otoridad ang akusado matapos puntahan ang kinaroroonan nito.

Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado pa noong Oktubre 19, 2022 dahil sa nasabing kaso.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Aabot sa P36,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay pansamantalang dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.