Mga empleyado ng kapitolyo sa SoCot, may PBB

KORONADAL CITY- KWALIPIKADO ang provincial government ng South Cotabato na magbigay ng Performance Based Bonus o PBB sa mga empleyado nito.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na ang mga regular, casual at coterminous employees sa kapitolyo ay makakatanggap ng PBB na hindi lalagpas sa 65% ng kanilang sahod.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Ngunit ayon sa gobernador na kanila pang pag-uusapan ang pagbibigay ng cash gift sa mga job order employees mula sa matatanggap na bonus ng mga regular employees.

Read More:  17-year-old student chases alleged bullies with balisong in Cebu

Napag-alaman na sa mga probinsya sa Soccsksargen, South Cotabato lang ang kwalipikado na magrelease ng PBB.

Sa ngayon, pinag-uusapan at inilalatag pa provincial government ang polisiya sa pagbibigay ng naturang bonus.