Sala-salabat na wires sa bayan ng ba, inaayos na ng mga telcos

IBA-Nagsisimula na ang mga Telcos na ayusin ang sala-salabat na mga kawad sa national highway sa bayan ng Iba partikular Palanginan.

Ito ay bilang tugon sa utos ng Pamahalaang Lokal na ayusin ang mga kawad at poste na matagal nang inerereklamo ng mga motorista.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang mga kable ay sinimulang ayusin noong nakalipas na May 29 at itinuwid na din ang nakatagilid na mga poste nito.

Matatandaang ilang buwan ang nakakaraan ay pinatawag ang mga kinatawan ng Telcos para ipaayos ang mga kable dahil sa nagiging pangit na imahe sa kalsada at delikado pa sa mga motorista at nagdaraang mga pedestrians.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon kay Kon. Al Fallorin, pagkatapos ng mga kawad ay maaaring isunod na rin ang mga poste na wala sa ayos na kinalalagyan.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of 1 person and text that says 'MAPAPAGOD PERO TULOY ANG LABAN! IBUPROFEN+ PARACETAMOL FAST RELAX Mag-FAST FAST RELAX, ORA MISMO!'