CSWDO- Naga naglaan pa rin ng pondo para sa lockdown families sa susunod na taon

NAGA CITY- Naglaan parin ng pondo ang Naga City Social Welfare and Development Office (CSWDO)  para sa mga pamilyang maapektuhan ng lockdown KUNG hindi pa tuluyang mawawala ang COVID-19 pandemic.

Ito ang iprenisinta ni CSWDO head Annable Vargas sa Naga City People’s Council at sa publiko sa naging public presentation ng 2023 annual budget, iniisa-isa ni Vargas ang paglalaanan ng pondo at P7M rito ang para sa mga malolockdown na pamilya.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Batid naman ng CSWDO Chief na ang COVID-19 ay parte na ng ordinaryong buhay ng mga Nagueño.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Umaasa ang tanggapan na maaprubahan ito ng Budget Office.

Sa huling datus ng City Epidemiology and Surveillance Unit,   95% sa mga aktibong kaso ay mild ang sintomas at ang iba naman ay asymptomatic.  Enero 2022 nang huling magkaroon ng critical case.