Comelec, iminungkahing ma-criminalize ang mga ‘nuisance candidates’

Iminungkahi ng Commission on Elections (Comelec) na ma-criminalize na ang mga nuisance candidates.

Ginawa ni spokesperson John Rex Laudiangco ang pahayag, matapos na i-invalidate ng Comelec ang electoral win ni Negros Oriental Governor Henry Teves noong May 2022 gubernatorial race, nang ang bomotong nakuha ng certain nuisance candidate “Ruel Degamo” ay napunta sa isang katunggali, na si dating Governor Roel Degamo.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay Laudiangco, na ang emergence ng nuisance candidates ay nagiging trend na kada halalan, kaya ang mga dawit dito ay kailangan mapatawan na ng penalidad.

Una nito, nanawagan si poll body chairman George Garcia sa Kongreso na amyendahan ang rules of procedure laban sa mga nuisance candidates na target ang government post, at sinabing panahon na para bigyan ng updated definition kung any at sinu talaga ang mga nuisance candidates.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Kaugnay nito, iminungkahi rin ni Garcia ang paghahain ng criminal charges laban sa mga nuisance candidates, sakaling mapatunayan na ang kanilang layunin sa pagtakbo ay ilagay lang sa bad faith ang halalan.