Lolo na pinagsusuntok ng isang barangay tanod, nabagok ang ulo-patay

Nasawi ang isang senior citizen habang nilalapatan ng lunas matapos mabagok ang kaniyang ulo nang pagsusuntukin ng isang Barangay tanod sa Bugbog, Bucay, Abra.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang biktima na si Jacinto Tenebro habang ang suspek naman ay si Ronald, Tagura, 40-anyos.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon umano ng alitan ang dalawa habang sila ay nag-iinuman.

Ang alitan ng dalawa ay hinggil umano sa pangungutang ng suspek kung saan ang bangayan ay nauwi sa panununtok kung saan dito na natumba ang biktima.

Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima, nang matumba si Tenebro ay nabagok umano ang kaniyang ulo.

Read More:  Banakon bite kills 17-year-old student inside store in Davao Oriental

Bagaman humingi ng tawad ang suspek sa nagawa nito ay desidido parin ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa kaniya.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang death certificate ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkasawi nito.