2, 596.50 ektarya ng lupain sa 5 barangay sa Aborlan, nais i-reclassify para mapatituluhan

Beniberipika pa rin ng Coastguard District Palawan ang impormasyon tungkol sa mga nakitang mga bangka sa Iroqouis reef na nasa timog na bahagi ng Reed Bank sa West Philippines Sea.

Ayon kay Coastguard Lieutenant Senior Grade GRETCH MARY BLANCA ACUARIO, ang mga namataan na fishing boats ay inaalam kung ito ang sinasakyan ng walong Palaweñong nawawala.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Sa ngayon ay hindi pa nila nakakausap muli ang MRRV 4402 ng Phil. Navy dahil wala umanong signal sa bahagi ng karagatan.

Idinagdag din ni Lieutenant Acuario na walang floating asset ang Navy sa lugar.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Sa kabila ng beripikasyon ay hindi pa tumitigil sa paghahanap ang search and rescue team sa mga mangingisda na umalis mula noong September 22, 2022 mula sa Barangay Bagong bayan, Puerto Princesa City.

Samantala, nanawagan ang ang pamilya ng walong mangingisda sa publiko na huwag silang bigyan ng maling pag-asa sa kabila ng labis na pag-aalala nila.