Pulis aksidenteng nabaril ang sarili, patay

Nasawi ang isang pulis na nakatalaga sa General Services ng Abra Police Provincial Office matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang nililinisan ang kaniyang baril.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang biktima na si PCpl John Paul Belisario Ayon-ayon, 30-anyos, may asawa at residente ng Barangay Napo, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bangued Municipal Police Station, bago nangyari ang insidente ay nililinisan umano ni PCpl. Ayon-ayon ang kaniyang Cal. 9mm Tauros Pistol service firearm bilang preparasyon sa inspeksiyon ng National Police Commission.

Habang nililinisan ay naipit umano ang bala sa chamber ng kaniyang baril at nang sinusubukan niya itong tanggalin dito  na umano niya aksidenteng nabaril ang kaniyang sarili.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Nagtamo ng tama ng baril sa dibdib si PCpl. Ayon-ayon  at sinubukan pang idala sa Abra Provincial Hospital ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, nagdesisyon naman ang pamilya ng nasawing pulis na isailalim sa post mortem examination ang katawan nito upang makumpirma ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.