600 na magsasaka sa Cagayan, nakatanggap na ng fuel discount voucher

Aabot sa 615 na magsasaka ng mais sa apat na bayan sa probinsya ng Cagayan ang nakatanggap na ng Fuel Discount Voucher mula sa DA Field Office 2.

Ito y matapos ang isinagawang Distribution caravan ng ahensya.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Mula naturang bilang  ay 341 na magsasaka ang nabigyan sa Tuao, 97 sa Piat, 96 sa Sto Niño at 81 sa Rizal ang nakatanggap ng subsidiya.

Nasa 3,000 pesos ang laman ng fuel voucher card ng mga magsasaka kung saan maaari nila itong ipambili ng petrolyo sa mga gasolinahang USSC-accredited.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Nagpapatuloy na naman ang pagtungo ng DA Regional Field Office 2 sa mga bayan sa rwhiyon dos upang mabigyan ng subsidiya anv mga kwalipikadong magsasaka.