Dalawang coastal Barangay ng Mercedes tinungo ng vaccination team para sa PinasLakas Special COVID-19 Vaccination Days

CAMARINES NORTE- Tinungo ng vaccination team mula sa Municipal Health Office ang dalawang coastal barangays sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay para sa Pinaslakas Special COVID-19 Vaccination Days katuwang ang iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno.

Noong Martes, September 27, ginanap ang bakunahan sa Barangay Manguisoc at Mambungalon.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Presente rin ang mga halal na opisyal ng bayan kung saan pinagunahan ng mga ito ang pagpapabakuna.

Ito ay upang mahikayat ang mga nagdadalawang isip pa na magpabakuna at magkaroon ng proteksyon kontra COVID- 19.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nasa 303 ang naidagdag sa bilang ng mga nabakunahan sa naturang bayan as of September 27.

Umaabot na rin sa 78 percent ng 37, 857 na target population ang nababakunahan sa naturang bayan.

(photo: MHO)