8 mangingisda na inabotan ng bagyong “Karding”, pinaghahanap sa Palawan

Pinaghahanap ngayon ng mga mahal sa buhay at Philippine Coastguard ang walong ( 8 )  mangingisda mula sa Barangay Bagong bayan, Puerto Princesa City.

Ayon kay Ms. Arlene Barillo, naglayag ang mga ito sakay ng dalawang bangka noong September 22, 2022 patungo sa Reed Bank, sa West Philippine Sea.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Kasabay nila ang pitong ( 7 ) iba pang bangka pero bumalik ang mga ito subalit ang dalawang bangka na sinasakyan ng walo ay tumuloy umano sa pagbiyahe.

Kinilala ang mga sakay ng MB/ Mark of Faith na sina;  Exequil Bancolo, Mark Fernan Canillo (may-ari), Juanito Tanguiran at Romeo Sarco habang ang sakay ng MB/ Chol- chol ay sina Gilbert Almorato, Jeryll Corpuz ( may- ari) , Mark Eden Monares at Sherwin John Lojina.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

NUMERO NG PAMILYA:

SMART:  0946-241-4970

GLOBER: 0917-750-2382