Ex CJ Bersamin, nanumpa na bilang bagong Executive Secretary

Pormal nang nanumpa si dating chief justice Lucas Bersamin bilang kapalit ni Vic Rodriguez bilang Executive Secretary.

Ngayong araw ay nag-oathtaking na si Bersamin sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Kaagad namang dumalo ang bagong ‘little president’ sa ika-siyam na Cabinet Meeting ngayong umaga.

Bago pa man maging Executive Secretary si Bersamin namuno muna ito sa Government Service Insurance System o GSIS.

Sa kasagsagan naman ng pagiging Punong Mahistrado ni Bersamin ay lumabas ang rulling sa ilang mga high profile cases.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Kabilang na rito ang pagpabor niya sa paglilipat kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.

Isa rin siya sa mga bumoto para ipadeklarang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel.

Samantala, si Rodriguez ay nagbitiw sa puwesto bilang Executive Secretary at naging Presidential Chief-of-Staff.
#