Dalawang Grade 6 Pupil na unang nagreklamo sa Brigada, pumapasok na muli – Dep Ed Palawan

Masayang ibinalita ni Ms. Maylyn Dilig ng Dep Ed Palawan na nakakapasok nang muli sa paaralan ang grade 6 pupil sa Tacras Elementary School na unang nagreklamo sa Brigada.

Ayon kay Ms. Dilig, pinuntahan niya nitong nakalipas na Linggo ang tahanan ng dalawang bata na bahagi ng assessment sa kondisyon ng mga bata.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Nakakapag usap na rin aniya ang mga bata, mga magulang nito at ang guro na si Eduardo David

Nilinaw ni Dilig na ang pakikipag-usap niya sa mga estudyante ay tanging assessment lamang at hindi parte ng imbestigasyon dahil ang gagawa umano nito ay ang regional office ng Dep Ed dahil sila ang disciplining authority pagdating sa mga reklamo sa mga guro.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa Regional Office na nakasalalay kung magsasagawa pa ng hiwalay na imbestigasyon sa unang reklamo, dagdag pa ni Ms. Dilig