Tric driver, nahulihan ng umano’y shabu

Kulong na ang isang Dylan Cabailo Castillo alias Dodoy (PHVI), 34 anyos ng Barangay Irawan, Puerto Princesa.

Ayon sa ulat ng pulisya at Anti Crime Task Force, nahuli ang tricycle driver bandang alas-dose ng tanghali ngayong Linggo sa Anti-Illegal Drug Operation (Buy-bust) sa Langka road, Brgy. San Jose, Puerto Princesa City.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Nakuha ng City Drug Enforcement Unit ng City Police at Anti- Crime Task Force sa suspek ang isang pakete ng suspected shabu at apat na iba pa nang siya ay kapkapan matapos ang transaksyon.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Kinumpiska rin sa suspek ang isang keypad cellphone at isang XRM na motorsiklo, base pa sa ulat.

Nahaharap si Dylan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.