3 kabataan, arestado dahil sa di pagsusuot ng facemask sa Batangas

SAN JUAN – Sumailaim sa anim na oras na community service ang tatlong mga kabataan matapos na maaresto ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot ng facemask sa Brgy. Balagbag, San Juan, Batangas.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Kinilala ang mga naaresto na sina Mark Anthony Cabos, 20 ; Onemis Ebora, 18 at Larance Bragas, 18 anyos, pawang mga residente ng naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng San Juan MPS, nadaanan ang mga ito ng police patrol na walang facermask habang nasa labas.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Agad silang sinita at dinala sa presinto.

Pinakawalan naman ang tatlo matapos na sumailalim sa community service.

Dahil mga first time violators, sila ay binigyan lamang ng warning ng mga awtoridad.