Lalaki, patay matapos pagtatagain sa Balabac

Tadtad ng taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang isang lalaki kahapon (September 13, 2022) mga bandang alas 6:30 ng gabi sa Sitio Danglis, Barangay Poblacion 6, Balabac, Palawan.

Base sa report ng PNP ang biktima ay kinilala na si Umbing Macahilig Ami, 42 anyos habang ang suspek naman ay kinilalang si Timson R. Vicente, 20 anyos na pawang mga residente rin sa Barangay Poblacion 6, Balabac, Palawan.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, umamin ang suspek sa kapatid na babae na mayrooon itong napatay na tao, subalit agad na umalis sa kanilang lugar.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng PNP kay Vicente habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay.