LEGAZPI CITY – Nilagdaan na ni Albay Governor Noel Rosal ang memorandum circular na may kinalaman higgil sa guidelines o mga alituntunin para sa Barangay Assistance Program sa lalawigan ng Albay.
Kabilang sa mga alituntuning ito upang makuha ng mga barangay ang annual subsidy mula sa Provincial Government of Albay, ay ang pagsusumite ng barangay council ng request letter na naka-adress sa gobernador; barangay resolution kung saan nakasaad ang kanilang proposed community development project; sertipikasyon mula sa City Planning and Development Office o sa Municipal Planning and Development Office na ang kanilang proyekto ay kasama sa Barangay Annual Investment Plan ngayong taon, at ang program of work.
Nagkakahalagang P100,000 ang inilaan ng PGA bilang annual subsidy para sa 720 na mga barangay sa lalawigan na una nang inapbrubahan ni Rosal kasama ang konseho ng lalawigan.