11 motorist assistance center, inilatag sa Bicol para sa Lakbay-Alalay program sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival sa Naga City – DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Taun-taon ay isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ang Lakbay-Alalay Program para sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival sa Naga City ngunit nahinto lamang ito nang nagsimula ang pandemya.

Ayon kay Lucy Castañeda, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, nagsimula na ang kanilang paglalagay ng 11 motorist assistance sa kahabaan ng daang maharlika highway.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, tatlong motorist assistance ang inilatag para sa Albay, isa Camarines Norte, lima sa Camarines Sur at dalawa sa Sorsogon.

Kakatapos lamang maglagay ng assistance sa probinsya ng Camarines Sur nito lamang September 8 hanggang September 9 habang ang natitirang nabanggit na lalawigan ay magsisimula ring maglatag sa September 15 hanggang September 19.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Layunin ng DPWH Bicol sa pamamagitan ng naturang programa na matulungan ang mga turista, kung saan ituturo sa kanila ang mga lugar na kanilang pupuntahan, maging sa mga nasisiraan ng sasakyan ay matulungan din.