Top 1 MWP, arestado sa kasong Statutory Rape

SORSOGON CITY – Arestado ng Casiguran Police katuwang ang 2nd Prov’l Mobile Force Company ng Sorsogon Police Prov’l Office ang No. 1 most wanted person na may kinakaharap na kaso sa Brgy Lungib ng nasabing bayan.

Kinilala itong si Andrew Bunao, 31-anyos, binata, naninirahan sa Sitio Cagpacol ng nasabing barangay.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Statutory Rape na may itinalagang piyansa na P120K at tatlong beses na paglabag sa RA 7610 o Child Abuse na may piyansang P180K bawat isang kaso.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Ang pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Pulisya ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.