Pursigido si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ituloy ang ‘war on drugs’ na unang inumpisahan ng Duterte Administration.
Subalit paglilinaw ng Pangulo ibang istilo o ibang pamamaraan ang kanyang gagamitin.

Ayon kay Pangulong Marcos tuloy ang laban kontra droga subalit kasama na dito ang pagtuturo sa mga bata ng masamang epekto ng illegal drugs.
Sa ngayon inihayag ng punong ehekutibo na bumabalangkas na ang gobyerno ng mga polisiya at bagong approach kung paano ipapatupad ang giyera laban sa iligal na droga.
Dagdag pa ni Marcos, na tinitingnan din nila sa mas mataas na antas ang problema ng droga sa bansa habang may ilalatag din aniya ang pamahalaan na programa para sa rehabilitasyon.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang war on drugs campaign ng Duterte Administration dahil sa umano’y laganap na extra-judicial killings.