Mga negosyante binibigyan na lang ng hanggang sa December 31, 2022 para i-reconfigure ang kanilang POS machines kasunod ng pagtanggal ng BIR sa validity period ng resibo

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga negosyante na hanggang sa Disyembre 31 na lang ang ibinibigay na panahon para ma- reconfigure ang kanilang mga Point-of-Sale (POS) machine.

Kasunod yan ng inilabas na Revenue Regulations (RR) No. 6-2022 ng BIR na nagtatanggal sa five-year validity period sa lahat ng printed and system-generated receipts/invoices na naging epektibo noong Hulyo 16, 2022.

Nangangahulugan ito na pwede pang gamitin hanggang sa maubos ang mga resibo na hindi pa nag expire bago ang Hulyo 16 at ang mga nag expire nabbago pa ang naturang petsa ay hindi na pwedeng gamitin.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na kapag nabigo ang mga negosyante na ma- reconfigure ang kanilang mga ginagamit na POS machine  sa itinakdang panahon ay maaaring kumpiskahin ito ng BIR at may kaakibat pang multa.

“May corresponding penalty na naman po, pwede po naming i- confiscate yung kanilang mga POS machine na yan pero hindi naman agad- agad naming gagawin yun, bibigyan pa naman siya ng notice so pag hindi sila mag comply palagi tayong i- refer mo yan sa legal for whatever possible na actions, “ ani De Leon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ayon kay De Leon, pabor sa mga negosyante ang pagtanggal sa five- year validity ng resibo lalo’t inirereklamo umano ng iba na hindi naman nila ito nauubos o nagagamit lahat at malaki ang kanilang binabayaran.

Paalala naman ni De Leon sa mga negosyante na mag isyu ng resibo.

 “Ang panawagan is continuously gumamit po tayo ng resibo kasi nga naman yung iba kaya hindi nauubos hindi ginagamit di ba.”