Pangulong Marcos tuloy ang trabaho sa kanyang ika-65-taon kaarawan ngayong araw

Walang birthday leave si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang pagdiriwang ng ika-65 taon kaarawan ngayong araw.

Sa halip pinangunahan nito ang simultaneous bamboo and tree planting activities sa San Mateo Rizal kaninang umaga.

Sa kanyang talumpati binigyan-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng mga ganitong hakbang upang matulungan at malagaan ang kalikasan upang mayroon umanong maipamana sa mga susunod na henerasyon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala matapos ang tree planting, agad naman itong tumuloy sa isa pang aktibidad kung saan nilagdaan nito ang Executive Order na may kinalaman sa Moratorium ng Annual Amortization ng mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Alas-tres naman ngayong hapon inaasahang pangungunahan ni Pangulong Marcos ang Gift giving activity sa White Cross Orphanage sa San Juan City.

Hindi naman masabi ng Palasyo kung magkakaroon ng birthday celebration sa Malakanyang para sa Pangulo mamayang gabi.