World leaders nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

Nagpa-abot ng pakikiramay ang mga opisyal at pinuno sa iba’t-ibang panig ng mundo sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Pumanaw si Queen Elizabeth sa edad na 96 dahil sa karamdaman.

Ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres hinangaan ng mundo ang Reyna dahil sa kanyang grace, dignity and dedication.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Tinawag naman ni US President Joe Biden si Queen Elizabeth bilang kauna-unahang British monarch na gumawa ng personal connection sa mga tao sa buong mundo.

Sa Vatican, nagpahayag din ng pagkalungkot si Pope Francis matapos mabalitaan ang pagpanaw ng Reyna.

Nagpa-aabot din ng pakikiramay ang fellow monarchs mula sa bansang Sweeden, Netherlands, Belguim at Spain.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Dumagsa ang mga nagluluksang mamamayan sa labas ng Buckingham palace matapos makumpirma ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Kinanta pa ng ilan ang mga katagang “God save our Queen” kasunod ng mga palakpakan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.