Walong gwardiya ng Manila Arena sinampahan ng kaso kaugnay sa missing na mga sabungero

Sinampahan na nang kasong kidnapping at seroius illegal detention ang isang opisyal at walong security guard ng Manila Arena na isinasangkot sa pagkawala ng anim na sabungero noong Enero.

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang farm manager at head security ng sabungan na si Julie Aguilar Patidongan.

Ayon sa report hinihintay na lamang ngayon ang ilalabas na resolusyon ng Department of Justice kaugnay sa naturang kaso.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa gitna nito may lumabas naman na ulat na boluntaryong isinuko ng suspek na si Patidongan ang walong magkakaibang kalibre ng baril sa Lipa City Police Station batay na rin sa kahilingan ng Special Investigation Task Group o SITG-Sabungero.

Samantala naniniwala si Fe De Pano, ang nanay ng dalawa sa mga biktimang sabungero na tukoy na ng mga kapulisan ang nasa likod ng pagdukot sa kanyang mga anak subalit tumanggi itong banggitin dahil sa pagiging ‘makapangyarihan’ nito.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang ina ng mga biktima na makikita pa niyang buhay ang kanyang mga anak.