Mahigit P1.00 oil price rollback posible sa susunod na linggo – DOE

Posible ang rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad bagama’t hindi pa tapos ang huling araw ng trading week mataas ang indikasyon na magkakaroon ng bawas presyo ng produktong petrolyo sa Martes.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa kanilang pagtaya, sinabi na Abad na mahigit piso posibleng bawas sa kada litro ng diesel at kerosene.

Sa gasolina naman maaring hindi lumampas ng piso ang tapyas sa kada litro nito ayon kay Abad.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Magugunitang nitong linggo lamang nang magtupad din ng rollback ang mga oil companies kung saan nasa PHP2.60 per liter ibinawas nito sa gasolina habang P1.55 per liter naman sa diesel at kerosene.