“Pagsusuot ng facemask dapat maging ‘way of life’ na ng mga Filipino” – Expert

Naniwala si Vaccine Expert Panel Chair Dr. Nina Gloriani na tanggap na nang maraming Pilipino ang pagsusuot ng facemasks para maproteksyunan ang sarili mula sa iba’t-ibang uri ng sakit.

Ginawa ni Gloriani ang pahayag sa gitna ng pagluluwag sa mandatory na pagsusuot ng facemask sa mga open spaces o mga lugar na may mataas na bentilasyon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ayon kay Gloriani wala naman siyang nakikitang problema sa pag-normalize mula sa pandemya subalit dapat magkaroon ng indicators bago payagang magluwag.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Kabilang na aniya dito ang pag-abot sa 50% ng populasyon ay dapat naturukan ng booster shot.

Iginiit din ni Gloriani na mataas man o mababa ang vaccine rate dapat maging ‘way of life’ na nang mga Filipino ang pagsusuot ng facemasks.