Maimpluwensyang pulitiko at mahilig mangamkam ng lupain sa Palawan, dapat magpaliwanag sa Senado

Ibinunyag sa harap ng mga kapwa senador ni Sen. Raffy Tulfo ang reklamo ng pangangamkam ng lupain sa lalawigan ng Palawan.

Dahil dito, nais pagpaliwanagin in-aid of legislation ng mambabatas ang ma-impluwensyang sangkot aniya rito sa lalawigan ng Palawan at iba’t ibang panig ng bansa.

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

May target na pulitiko ang mambabatas na aniya’y nasa likod ng “rampant” na gawain sa lalawigan.

Modus raw nito na lumapit sa mga naghihikahos na magsasaka upang sa kanila’y magsangla ng lupain at pagkatapos ay magdadagdag na lang ng bayad sa kawawang magsasaka.

Read More:  Four NPA members surrender in Eastern Visayas, family appeals bring them home

Para sa senador, matagal nang may impluwensya sa Palawan ang pulitikong ito kaya napapanahon na aniya na ma-sampolan ang mang-aagaw na ito.