Kaso ng dengue sa Legazpi City, Albay, nananatili pa ring mababa – Legazpi CHO

LEGAZPI CITY – Nananatili pa rin na mababa ang kaso ng dengue sa Legazpi City, kumpara sa ibang mga probinsya o lunsod sa Bicol region.

Ito ang inihayag ni Dr Fulbert Gillego ang head ng City Health Office (CHO) Legazpi sa Brigada News FM.

Ayon kay Gillego, aabot lang sa walong kaso ang naitala sa nasabing lunsod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nakapagtala ng tig-iisang kaso ng dengue ang Brgy. Rizal St., Ilawod, Imperial Court, Lapu-lapu, Bonot, Arimbay, Bigaa, Taysan at Brgy. San Francisco.

Ipinaliwanag ni Gillegp na napapanatiling mababa ang kaso ng nasabing sakit dahil sa kadalasan, mainit ang Bicol kung saan hindi gaano nagkakaroon ng breeding sites, may kaalaman na rin ang mga magulang tungkol sa sakit na dengue at taon taon ang orientation sa mga barangay kapitan at barangay health workers tungkol sa dengue.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Umaasa umano ang opisyal na hindi na tataas pa ang dengue cases sa lunsod ngayon taon 2022.