Target na 1, 380 beneficiaries mula sa dalawang bayan ng Camarines Norte naka- schedule na mabigyan ng educational assistance bukas

CAMARINES NORTE- Aabot sa 1, 380 target beneficiaries mula sa Labo at Mercedes ang naka- schedule na mabigyan ng educational assistance bukas sa ilalim ng Assistance to Individuals and Crisis Situation (AICS).

Tulad ng naunang dalawang Sabado, gagawin pa rin ang pay out sa SM City Daet.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet tiniyak ni Marygizelle Mesa, Regional Information Officer ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V na mayroon pang pondo ang ahensiya para mabayaran ang mga eligible beneficiaries na nag apply online.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Mayroon pa rin umanong pay out para sa eligible beneficiaries na hindi napasama sa naunang clustering.

Ibig sabihin, kung mayroong maiiwan na eligible ay magkakaroon uli ng schedule pero hindi pa umano niya masabi sa ngayon kung ibaba sa off site pay out dahil ang tutok umano ngayon ng ahensiya ay mabayaran ang mga eligible na napasama sa cleanlisting.

Sa  susunod namang Sabado, September 17, 2022 ay magkakaroon ng dalawang team ang DSWD para mag pay out sa Capalonga at Sta Elena na gagawin sa kani- kanilang covered court.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, muli ring binigyang diin ng ahensiya na ang mga miyembro ng 4P’s na nakatanggap ng educational assistance ay kailangang mag- refund.

Gayunman aminado itong wala pang guidelines kung paano gagawin ang refund pero mayroon na umanong mga benepisyaryo na nag boluntaryo nang ibalik ang nakuhang pera.

“Yung mga nabayaran po na 4P’s ay ipapa- refund po yun kasi yung pinaka una po talagang announcement ni Secretary (Erwin Tulfo) kasama pa, pero nung second po ay klinaro niya na hindi na po kasali ang 4P’s.