Nasa 400 na mga Red Cross personnel and volunteers nakalatag sa Traslacion Procession ngayong araw

NAGA CITY- Nasa 400 na mga volunteer at personahe ng Philippine Red Cross ang ilalatag para sa Traslacion Procession ngayong araw.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Fe Badiola, OIC Red Cross Administrator sa Camarines Sur. Makakatuwang sila ng Naga City Health Office at mga personahe ng ilang mga ospital sa pagresponde sa mga nangangailangan ng atensyong medical.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang bawat team ay mag-iikot sa kani-kanilang assignments habang ang base ay sa Plaza Quezon. Paki-usap nito sa publiko, proteskyunan din ang sarili, kasamang bata o matatanda.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Matatandaan na noong mga nagdaang traslacion, may mga hindi kinakaya ang siksikan, init ng panahon o kaya naman ang paghihintay na makadaan o dumating ang image ni Inang Peñafrancia at El Divino Rostro mula sa Peñafrancia Shrine patungo sa Metropolitan Naga Cathedral.