Estudyante, humanga sa katapatan ng isang tricycle driver

Humanga ang estudyante na si Nadine sa ipinakitang katapatan ng isang tricycle driver dito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Aniya, alas 7:13 ng umaga kahapon (September 5, 2022) habang naglalakad papunta sa kanyang paaralan ay huminto ang isang tricycle at tinanong siya ng driver kung marunong mag-operate ng touch screen na cellphone.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

“Neng, alam mo ba kung pano magpindot? [sa touch screen na cellphone]…may nakaiwan kasi nito dito [sa tricycle]” sabi ng hindi nakilalang driver.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Dahil sa hindi umano nito alam kung paano gumamit ng touch screen na cellphone kaya nahihirapan itong sagutin ang tumatawag.

Sa update naman ni Nadine, naibalik na ng honesto na driver ang cellphone sa may-ari.