SubicWater, may pinaplano para bawasan ang insidente ng nakawan ng metro ng tubig sa Olongapo

Nagpaplano ang Subicwater and Sewerage Company kung paanong mababawasan ang mga insidente ng nakawan ng metro ng tubig sa Olongapo.

Ito ay makaraang mauso na naman ang pagnanakaw ng water meter sa ilang mga barangay sa lungsod na ibinibenta sa mga namimili ng bakal at tanso.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Ayon kay Subic Water Information Officer Dave Reyes, ang mga metro ng tubig ay pag-aari ng mga nagpakabit ng linya kaya hindi magawa ng kompanya ang magsampa ng kaso laban sa mga mahuhuli.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Ganunpaman, sinabi nito na may pinaplano nang paraan ang kompanya kung paanong mababawasan ang tiyansa ng nakawan ng metro sa mga susunod na buwan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO