Muling umani ng mga espekulasyon kaugnay sa status ng kanilang relasyon ng asawa niyang si Sen. Chiz Escudero, ang ibinahaging video ng actress-socialite na si Heart Evangelista sa kanyang Instagram, na kinabibilangan ng background music na may kaugnayan na healing at pagmomove-on.
Mababatud na una nang naging usap-usapan ang relasyon ng dalawa, sa mga naunang post ni Evangelista.
Sa naturang video, kinompile ni Heart ang ilang clips mula sa kanyang bagong trips, events, at personal engagements sa September 4 Instagram reel, na may caption na: “Snippets of life … always grateful for all the amazing adventures.”
Ang compilation ay sinabayan ng awit na “Older Than I Am” ni Lennon Stella.
Sa ngayon, walang pag-amin o pagtanggi sa dalawang kampo, kung anu ang totoong lagay ng kanilang pagsasama.
