Rank No. 1 at 2 MWP ng Magallanes Police arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang Top 1 at Top 2 most wanted person sa patuloy na pagpapatupad ng intensified campaign against wanted person ng Magallanes Municipal Police Station.

Kinilala ang rank No. 1 MWP na si Manuel Benavides Belangel Jr. alias Onyok, 31-anyos, binata, walang trabaho at naninirahan sa Brgy Pili habang ang rank No. 2 MWP naman ay nakilalang si Eduardo Gojo Espedillon, residente ng Brgy Biga ng parehong bayan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sinilbihan si Belangel ng kanyang warrant of arrest noong Lunes, Setyembre 5 sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Si Espedillon naman ay nahuli sa Brgy Malainen sa Naic, Cavite sa kasong murder din.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Nagtago ito sa batas ng halos 13 taon matapos ang krimeng nagawa sa nasabing bayan.

Himas rehas na ang mga ito matapos na maibalik sa kani-kanilang court of origin.

HinihIntay na lang ng Magallanes MPS ang ipapalabas ng korte na commitment order sa mga akusado.