Lalawigan ng Albay, nakapagtala ng mahigit 2,000 karagdagang benepisyaryo ng AICS educational assistance mula sa DSWD

LEGAZPI CITY – Pumalo sa kabuuang bilang na 2,619 ang mga benepisyaryong natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) educational assistance mula noong Agosto 20 hanggang Setyembre 3, 2022.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Batay sa datos mula sa DSWD Bicol, umabot sa 392 ang bilang ng mga benepisyaro mula sa elementarya sa lalawigan, 310 sa junior high school, 283 sa senior high school, habang 1,634 naman sa kolehiyo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nagkakahalagang humigit-kumulang Php 8 million naman ang asistensiyang naipamahagi ng nabanggit na ahensiya sa mga benepisyaryo nito.

Samantala, umabot na sa mahigit 15,000 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na natulungan ng programa mula sa DSWD.