41 anyos na lalaki na may kasong pagnanakaw arestado

CAMARINES NORTE – Isang 41 anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong pagnanakaw ang naaresto ng operatiba ng Vinzons MPS bandang alas 3:50 ng hapon, Mayo 25, 2021 sa Purok 5, Barangay Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala itong  si JONEL JARDINERO y Talavera, 41 anyos na mekaniko at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Si Jardinero ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft at may piyansang nagkakahalaga ng dalwampu’t apat na libong piso (Php24, 000.00).

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Ang arestado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.