Bilang ng mga nahuhuling galang aso sa Legazpi City, pumalo sa mahigit tatlongdaan mula Enero hanggang Hunyo – Legazpi City Veterinary Office

LEGAZPI CITY – Umabot na sa kabuuang bilang na tatlongdaan at dalawampu’t isa ang nahuhuling stray dogs ng Legazpi City Veterenary Office mula sa iba’t ibang barangay sa lunsod simula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Emmanuel Estipona, head ng City Veterinary Office sa Brigada News FM.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Estipona, marami pa rin ang mga iresponsableng pet owners kung saan hinayaan na lamang nito sa kalsada ang mga alagang hayop na nagiging dahilan ng bite cases o aksidente sa kalsada.

Dahil dito, sa bagong ordinansa ng lunsod ay hindi lang ang nasabing hayop ang palagiang may kasalanan dahil sa mayroon din naman kapabayaan ng mga nag-aalaga nito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito, binibigyan ngayon ang pitumpung barangay officials sa lungsod na patawan ng citation ticket ang mga irresponsible pet owners.

Naniniwala ang opisyal na mababawasan na rin ang kanilang mahuhuling stray dog sa lunsod dahil sa bagong ordinansa na ipinatutupad.

Sa ngayon ay umabot na rin sa mahigit walonglibong mga aso ang nabakunahan laban sa rabies mula Enero hanggang Hunyo.