LEGAZPI CITY – Nagsimula na ang Local Government Unit (LGU) ng Daraga na mag-ikot sa mga business establishment upang matiyak na sila ay sumusunod sa ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Michael Margallo, head ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), sinimulan na nila ang pagsasagawa ng occular na inspeksyon sa mga establishment sa Barangay Bañag, Culat at Rizal St.
Kasabay din sa pag-iinspeksyon ang Municipal Treasurer’s Office (MTO) na pinangungunahan ni Evelyn Jana, head ng nasabing opisina.
Aniya, may mga negosyo kasi na nakakapag-operate pa rin na walang business permit, license permit at sanitary permit o hindi sumusunod sa mga ipinatutupad ng LGU kung kaya’t malaya silang nakakapagnegosyo sa nasabing bayan.
Karamihan umano sa mga establishments na walang mga nasabing permit o kulang sa nkanilang requirements ay mga bagong bukas na negosyo.
Dahil dito, maaring pansamantalang isasara muna ang negosyo upang bigyan ang mga ito ng pagkakataong makumpleto ang requirements para makapag-operate sa negosyo.
Layunin ng nasabing operasyon na masiguro na ang lahat na business establishment ay sumusunod sa requirements ng Lgu at mapataas pa ang bilang ng mga nagnenegosyo sa Daraga.