Nadismis na kaso laban sa dating Provincial Coordinator ng Magsasaka Party List, ire-refile ng PNP

SORSOGON CITY – ‘’Ire-refile namin ang kaso.”

Ito ang naging pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng hepe ng City PNP na si PLtc Jeric Don Sadia sa isinagawang ‘Kapihan sa PIA’ noong Miyerkules.

Tinukoy ng opisyal ang nadismis na kasong ‘illegal possession of firearms, ammo at explosive laban kay Revor Lasay na inaresto noong Agosto 2, 2021 sa bahay nito sa Noval Cpd sa Brgy Salog lungsod ng Sorsogon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon dito, nagkaroon lamang ng ‘technical lapses’ sa pag-file ng kaso na naging dahilan ng pagkadismis nito.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Sadia na iginagalang nila ang desisyon ng korte. Gayunpaman, pinaninindigan ng pulisya na mayroon ding jurisprudence na nagtuturo sa legalidad ng police operation at umaasa sila na maikokonsidera ito ng korte.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nakasaad kasi sa 9-pahinang utos, ipinagkaloob ni Presiding Judge Donabel Breva-Bobier ng Br 52 ang Omnibus Motion ng akusado na si Lasay na kinabibilangan ng Motion to Quash Search Warrant, Motion to Suppress Evidence, Motion to Declare Illegal Arrest, Motion to Quash Information and Motion to Release Respondent.