TB patients iminungkahing magpa HIV test

NAGA CITY – Dumarami na rin ang mga naitatalang may sakit na tuberculosis o TB sa rehiyon kaya iminumungkahi ng Naga City Hygiene Clinic na magsailalim sa Free HIV AIDS Testing .

Paliwanag ni Grace Guevarra,head ng hygiene clinic ang mga maysakit na TB ay madaling magkaroon ng impkesyon o madaling mahawaan ng HIV AIDS dahil sa mahina na ang kanilang resistensiya.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Bukod sa mga TB patients, maging ang buntis at mga kabataan ang patuloy din nilang inaalok na magpa HIV/AIDS testing para matiyak na ligtas din ang mga ini sa anumang impeksyon.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Guevarra, nabanggit nito na ang mga interesadong mag avail ng libreng check up ay puwedeng makipag ugnayan sa kanilang opisina o kaya naman sa mga barangay health workers.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon pa kay Guevarra, kampante silang mas mapapalawak pa nila ang kanilang kampanya laban sa HIV AIDS dahil sa mga training na ginawa nila sa mga  barangay health care workers mula sa lalawigan ng Albay, Sorsogon ,Catanduanes at Masbate.    Ang mga ito ay mga Certified HIV Counselors na.