Karagdagang 10 benipisyaryo ng entsuperneur program nabigyan ng Pangkabuhayan Package

Nakatanggap na ng Pangkabuhayan Package ang karagdagang benipisyaryo ng Entsuperneur Program sa Syudad ng San Fernando at Sto. Tomas, Pampanga.

Ang pamumigay ay isinagawa ng Department of Transportation at Department of Labor and Employment nakalipas na August 30 hanggang 31.

Read More:  75-year-old woman stabbed dead by her live-in partner Davao de Oro

Ang ibang benipisyaryo ay pinili ang kaban-kabang bigas habang ang iba naman ay iba’t ibang paninda na magagamit panimula sa kanilang negosyo.

Read More:  P1.3 million worth of suspected shabu seized at Davao de Oro checkpoint

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 3, nasa dalawampu na ang mga nabibigyan at sa September 5 hanggang 9 ay mayroon pang kasunod.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LTFRB Region III