CSC hinimok ang lahat ng kawani ng gobyerno na makiisa sa pagdiriwang ng Civil Service Month

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Civil Service Commission ang mga kawani ng gobyerno na makiisa sa pagdiriwang ng Civil Service Month.

Sa buong buwan ng Setyembre ay may mga nakalatag na aktibidad para sa apagdiriwang ng 122nd Civil Service Anniversary.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng CSC Provincial Field Office inilatag nito ang iba’t- ibang aktibidad para sa buong buwan.

Kaninang alas 8 ng umaga ay nagkaroon ng Online Zumba na nilahuhan ng lahat ng government agency at interesadong indibidwal.

Ito ay isang fund raising activity kung saan ang malilikom na halaga sa registration  ay mapupunta sa Pamanang Lingkod Bayani Program na gagamitin bilang financial assistance sa mga kawani ng gobyerno na namatay habang ginagawa ang trabaho.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kabilang sa mga participants mula sa Camarines Norte ay ang mga kawani ng Provincial Government, DPWH, CNWD at iba pang indibidwal.

Mamayang hapon naman ay gagawin ang Provincial Kick- off ng Civil Service Month na sisimulan sa isang misa sa Paroquia De San Juan Bautista sa bayan ng Daet.

Pagkatapos nito ay ang maikling programa at ang tradisyunal na penlight parade na dati nang ginagawa bago pa man magkaroon ng pandemya at pagkalipas ng dalawang taon ay muli itong gagawin.

Ang Week 1 ng Civil Service Month ay Linggo ng Lingkod Bayani kung saan tampok ang pagagawad ng parangal sa mga nahirang na outstanding government workers sa ilalim ng Honor Awards Program ng CSC.

Magkakaroon ng Regional awards program sa September 29 sa Legazpi City.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa September 5 ay magkakaroon ng sports fest sa mga kawani ng gobyerno na inorganisa ng Provincial Government.

Ang Week 2 ay Linggo ng Paglilinang kung saan tampok ang Public sector HR symposium via zoom.

Linggo ng Pagmamalasakit naman ang Week 3  kung saan tampok ang online career fair para sa mga naghahanap ng trabaho at gustong makapasok sa gobyerno.

Dito sa Camarines Norte ay magsasagawa ng gift giving sa Our Lady of Guadalupe Orphanage sa bayan ng Labo sa pamamagitan ng Camarines Norte Council of Human Resource Management Practioners.

Ang Week 4 ay Linggo ng Pasasalamat kung saan bibigyang pagkilala ang mga stakeholders.

Sa buong buwan din ng Setyembre ay maaaring maka- avail ng discount ang mga kawani ng gobyerno sa mga piling produkto  sa SM City Daet.