Problema sa sukarap at illegal na droga, tututukan ng bagong COP ng Koronadal

KORONADAL CITY — PRIORIDAD ng bagong upong chief of police ng Koronadal City PNP ang mga kaso ng nakawan at illegal na droga sa lungsod.

Sa isang press conference, inihayag ni Police Lt. Col. Amor Mio Somine, acting chief of police ng lungsod na tututukan nito ang problema sa nakawan na kinasasangkutan umano ng mga menor de edad o tinatawag na “sukarap” o mga children in conflict with the law.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Maliban dito, paiigtingin din umano ng Koronadal City PNP ang operasyon laban sa illegal na droga at iba pang mga kriminalidad upang maging ligtas ang publiko sa iba’t-ibang uri ng krimen.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Agosto 26 nang umupo si Somine bilang bagong hepe ng Koronadal City PNP.