Multi-level parking area sa public market ng Koronadal, laking tulong sa trapiko

KORONADAL CITY — MALAKI ang maitutulong para sa maayos na daloy ng trapiko sa palibot ng Koronadal City Public Market ang itinatayong multi-level parking sa loob ng palengke.

Ito ang inihayag ni Joy Placer, hepe ng City Traffic Management Office o CTMO-Koronadal sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon kay Placer, sa pamamagitan nito, magkakaroon ng parking space ang mga mamimili sa public market.

Makakatulong din umano ito sa maayos na daloy ng trapiko sa Alunan Avenue papuntang palengke at palibot nito.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ngayon, hindi pa masasabi ni Placer kun libre o may bayad ang nasabing parking area.

Napag-alaman na P300 million ang inilaang pondo ng city government sa konstruksiyon ng public market kasama na ang multi-level parking area sa loob nito.