2014 Fare Matrix sa Koronadal, nanatili parin

KORONADAL CITY – NANANATILI at epektibo parin hanggang sa ngayon ang 2014 Fare Matrix sa lungsod ng Koronadal.

Ito’y dahil wala pang bago at aprobadong Fare Matrix na inilabas ang city government sa kabila ng pagtaas ng presyo nga produktong petrolyo.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon sa pahayag ng city government ng Koronadal, epektibo at dapat pa ring sundin ng mga tricycle driver ang nasabing fare matrix maliban na lamang kung kalooban ng pasahero na magdagdag ng pamasahe.

Una rito, maraming mga pasahero ang nagrereklamo sa mataas na singil ng mga tricycle drivers sa lungsod.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Naghain na rin ng petisyon ang 42 na mga Tircycle Operators Drivers Association o TODAs sa lungsod kung saan isinusulong ng mga ito ang dagdag na P8 pesos sa kasalukuyang P10 na regular na pamasahe.

Sa ngayon, hindi pa ito aprobado.