Dalawang nawawalang mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte natagpuan umanong patay sa karagatang sakop ng Baler, Aurora, Coast Guard biniberipika na ang impormasyon

CAMARINES NORTE- Biniberipika na ng Philippine Coast Guard ang impormasyon hinggil sa natagpuang wala nang buhay na katawan ng dalawang mangingisda mula sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa karagatang sakop ng Baler Aurora.

Naghahanda na sana ang Coast Guard kaninang umaga para sa gagawing Search and Retrieval Operation sa mga nawawalang mangingisda nang ipaabot sa kanila ang naturang impormasyon kaya agad na nakipag ugnayan sa iba’t- ibang station upang i- verify ang report.

Una rito kinumpirma ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Acting Public Information Officer ng Coast Guard Station Camarines Norte na patay na ang dalawang mangingisda batay na rin sa salaysay ng kasamahan nitong nakaligtas na si Mark Anthony Ortiz, 26 na taga Purok 3, Barangay San Roque, Mercedes Camarines Norte.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay CPO Rosales kaninang umaga sinabi nito na batay umano sa salaysay ni Ortiz, namatay ang dalawa noon pang Agosto 24 na una nang tinukoy ng mga awtoridad na sina Anecito Jerbon 50, at Jaypee Fajardo 39, matapos umanong hindi kayanin ang matinding lamig at gutom habang nagpapalutang- lutang sa dagat.

Nangyari ang pagtaob ng bangka noong  Agosto 22 ng gabi dahil sa hindi magandang lagay ng panahon dulot ng bagyong Florita sa karagatang sakop ng Jomalig, Quezon

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon umano kay Ortiz itinali na lang nito sa katig ng bangka ang dalawang kasamahan para hindi lumubog at mas madaling matagpuan.

Maswerte namang nadaanan si Ortiz ng isang mangingisda mula sa Barangay Pinagtigasan, Vinzons na si Erick Mendoza mahigit kumulang 60 nautical miles sa bisinidad ng Northern Calaguas Island kaya ito nailigtas.

Pero dahil maliit ang bangka hindi naisakay ang dalawang kasamahan na wala nang buhay nang mga oras na iyon.