US nangako ng tulong sa Marcos administration para suportahan ang MSMEs sa Pilipinas

Nangako ang gobyerno ng United States government na susuportahan ang micro small and medium enterprises (MSMEs) ng Pilipinas, para mapalakas ang economic recovery ng bansa.

Sa MSME Summit sa Manila, sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, na makikipagtulungan ang Washington sa administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matulungan ang naturanag sektor.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Partikular na tinukoy ni Carlson ang mga proyekto ng United States Agency for International Development o USAID na tutulong sa libo-libong local MSMEs.

Nagpasalamat naman si Marcos sa US government para sa naturang suporta, at sinabing nakikita nito ang mas marami pang “partnerships” sa pagitan ng dalawang bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Mababatid na sa kanyang talumpati, muling inihayag ng pangulo ang kanyang pangako na tutulungan ang business sector, at iginiit na ang pagbuhay sa MSMES ay isa sa mga top priorities ng kanyang administrasyon.